Abante Tonite Interactive

Bea litaw ang legs sa int’l filmfest

1,035

Bonggadera si Bea Alonzo, na ganda-gandahan nang tumanggap ng tropeo bilang isa sa ‘Asian Stars; Up Next’ ng Variety sa 4th International Film Festival & Awards Macao (IFFAM).

Doon pa lang sa press presentation na may hand print ceremony ay interview ay nagningning na si Bea, na star na star ang aura sa kanyang yellow ensemble.

Ang iba pang awardees from Asia na nakasama ng Kapamilya actress ay sina Yoona ng South Korea, Ryota Katayose ng Japan, Lien Binh Phat ng Vietnam, Asmara Abigail ng Indonesia, Bhumi Pednekar ng India, at sina Praewa Suthamphong at Jennis-Oprasert ng Thailand.

In all fairness ay standout ang beauty ni Bea sa kanilang lahat. Mukhang Hollywood star si Bea nang rumampa sa red carpet event at napaka-graceful niyang inakyat ang mataas na hagdan nang mag-isa.

Kabogera ang sleeveless green gown ng aktres na hanggang sa taas ng hita niya ang slit, kaya litaw na litaw ang kanyang left leg.

Bago si Bea ay nauna nang kinilala ng Variety magazine sina Piolo Pascual at Anne Curtis sa IFFAM bilang Asian celebrities na may kakayahang maging mas malaking pangalan pa sa larangan ng entertainment.

May nakita kaming picture ni Bea na kasama ang Oscar-winning French actress na si Juliette Binoche (“The English Patient”).

Ang ganda nu’ng sinabi ng 32-anyos na aktres na ang pangarap niya para sa mga artistang Pinoy ay maka-cross ng borders at makilala worldwide.

“There is so much talent in the Philippines and I want the world to see it. And I feel like we are just starting,” sambit ng “Unbreakable” star.

Nagsunod-sunod ang suwerte at blessings ni Bea matapos ang kontrobersyal na ‘ghosting’ episode sa kanya ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Meron siyang hit movie with Angelica Panganiban, meron siyang upcoming teleserye with Richard Gutierrez at meron siyang international recognition na natanggap sa Macao!

Bawing-bawi si Bea girl! PAK!!

Angel muntik himatayin kay Bono

Bongga ang fangirling moment ni Angel Locsin sa sikat na frontman ng U2 na si Bono.

Naganap ang pagkikita nila sa isang Red Cross event the day before nag-concert ang Irish rock band sa Philippine Arena kagabi.

Bago lumabas ng Red Cross headquarters sa Mandaluyong ay may isang foreign staff na nag-introduce kay Angel kay Bono. Ang pakilala nito ay isa si Angel sa top Filipino philanthropists, at kinamayan ng rock superstar ang Kapamilya actress.

Nagpa-sign ng kanyang “Joshua Tree” shirt si Angel, na pinirmahan naman ni Bono. Habang kaharap niya ang kanyang idolo ay teary-eyed si Angel, na katabi ang supportive husband-to-be niyang si Neil Arce.

Nakita rin namin sa isang video na bago pa dumating ang U2 singer ay naghihintay na pala roon si Angel kasama sina Karen Davila, Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Sa Japan pala nanood ng “Joshua Tree” concert si Angel kasama si Neil. Bukod sa idol niya ang U2 dahil sa music nito, sobra ring hanga si Angel sa humanitarian work ng Irish rockstar.

Sumalubong sila pagdating ni Bono at si Karen ay hindi lang tsinika at kinamayan kundi niyakap pa si Bono.

In-introduce ni Karen si Bono kay Angel at ang sabi ng aktres, “I’m a big fan,” habang nagsi-shake hands sila.

“Don’t faint,” ang biro ni Karen kay Angel, so natawa ito at ang sabi kay Bono, “Yes, I’m gonna faint!”

In fairness ay ang saya nilang nagpa-group picture with the man of the hour na si Bono.

After ng kanyang fangirling moment ay masayang nag-post si Angel sa IG ng experience niya with her idol.

“High salute to My love, Bono, the multi-awarded @U2 frontman who has also been a frontman for advocating social justice worldwide 🙂

“Despite his tight schedule, he have chosen to accommodate @philredcross’ invitation and introduce us to this new technology of saving human lives through aerial drones.

“Looking forward to this faster, easier & hi-tech way to get blood where it’s needed, especially to remote places with poor road infrastructure and devastated by calamities. Thanks to you, Bono, Senator @dickgordon, @philredcross & @zipline.

“For updates on how you can do your part to help save lives with the Phils Red Cross, please follow @PhilRedCross.”