Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea lumayas sa Star Magic

0 220

Matunog ang balitang hindi na umano nag-renew ng management contract si Bea Alonzo sa Star Magic. After 19 years ay kumuha raw siya ng bagong mamahala ng kanyang career.

Lumabas din ang pangalan ni Shirley Kuan na bago niyang manager. Ito rin umano ang former manager niya sa endorsement.

Tinanong ng Tonite ang head ng Star Magic PR na si Ms. Thess Gubi sa text. “ Naku walang statement,” maikli niyang sagot .

Bago pumutok ang balitang ito, kumalat ang tsikang posibleng gawin ang reunion sitcom nina Bea at John Lloyd Cruz sa TV5.

Mag-materialize kaya ito ? Ayon sa source may contract pa si Bea sa ABS-CBN para sa movie at tv show.

Bukas ang panig nina Bea, Shirley at ang Star Magic para sa ikakalinaw ng isyu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.