Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea nabudol si Enchong

0 299

NI: VINIA VIVAR

Nabudol ni Bea Alonzo ang kaibigang si Enchong Dee nang gupitan niya ito ng buhok. Ibinahagi niya ang video ng panggugupit niya sa aktor sa kanyang latest YouTube vlog.

Caption din ni Bea sa Instagram account niya na may video post din, “Tag your friend na nabudol mong gupitan.”

Palibhasa nga ay loveless si Bea ngayon kaya wala siyang boyfriend na magugupitan ng buhok. Sey nga niya, during the pandemic ay aliw na aliw daw siya kapag nakikita ang iba na ginugupitan ang mga asawa or di kaya ay mga anak.

“Iniisip ko, sana, may gupitan din ako,” she said.

“Weeks later, months later, nakita ko si Enchong sa Instagram, ang haba ng hair niya, sabi ko sa kanya, ‘okay lang ba sa ‘yo gupitan kita?’ Guess what? He agreed!” sey pa ni Bea.

Siyempre, habang ginugupitan ng aktres si Enchong ay nagpapaturo siya sa isang hairstylist via video call. Makikita naman sa video na talagang nagi-enjoy ang magkaibigan habang naggugupitan. Panay ang biruan nila at tawanan at sa totoo lang, para silang magdyowa.

Nang matapos na ay natuwa naman si Enchong sa bago niyang hairstyle na ala-Keanu Reeves at sey niya “oh my God, it’s so cool!”

Comment ng netizen, ang ganda raw ng rapport ng dalawa at ang cute ng friendship.

Leave A Reply

Your email address will not be published.