Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea ‘nagoyo’ ni Enchong

0 233

NI: ARCHIE LIAO

Malalim ang pinagsamahan nina Bea Alonzo at Enchong Dee.

Kahit noong magkasama pa sila sa teleseryeng ‘Magkaribal’ at sa pelikulang ‘Four Sisters and a Wedding,’ itinuring na ni Bea si Enchong bilang isa sa closest friends niya sa showbiz.

Katunayan,para kay Bea, Enchong is like a brother to her.

Dagdag pa riyan, travel buddy rin niya ang aktor sa mga bakasyon.

Pero, kahit magkasundo, may mga ugali rin daw silang di nagkakatugma.

Sa vlog ni Enchong na “Kaya Kami Friends”, ibinunyag ni Bea kung paano nag-take advantage sa kanya ang aktor.

Ito raw iyong panahong naglambing sa kanya si Enchong sa isang party para bilhin nang mura ang kanyang kotse.

“Lasing na lasing ako. Nag-take advantage siya. Kasi magpapalit ako ng kotse nu’n. Sabi niya, ‘Ibenta mo na ‘yung Starex Limousine mo.’ Ako naman ‘oo naman ipakuha mo na ‘yan diyan. Hindi ko alam binenta niya ng 1 million na isang taon lang ng kotse. Tapos the following day, hindi pa ako gising, naka-deposit na ‘yung one million sa account ko. Pinipick-up na daw ‘yung kotse ko. Sabi ng nanay ko, bakit mo binenta ng napakababa nu’ng kotse?”

Nang mahimasmasan daw siya, feeling daw niya ay nagoyo umano siya ni Enchong.

Leave A Reply

Your email address will not be published.