Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea nakikipag-date na

0 108

Inamin ni Bea Alonzo na noon pa man ay super-crush niya si Jericho Rosales at hanggang ngayon pa rin daw.

“Super-crush ko siya eversince. Tawag ko sa kanya “crush” and he knows about that. Siya ‘yung nahihiya for me,” sey ni Bea sa vlog ng celebrity doctor na si Aivee Teo.

Papuri pa ni Bea kay Echo, “he’s so talented, he’s everything you want.”

Hindi pa raw siya artista ay gustong-gusto na niya ang aktor at fan siya ng Kristine (Hermosa)-Echo tandem.
“Before I became an artista, fan talaga ako ng Jericho-Kristine tandem. I used to watch Pangako Sa ‘Yo every night,” aniya.

Ini-reveal din ng aktres kung bakit niya naging crush si Echo.

“Alam mo kung ba’t ko siya naging crush? It was the way he looked at Kristine sa mga scenes nila. So, iniisip ko, pag ako nagka-boyfriend one day, because I was still young, pag ako nagka-boyfriend one day, gusto ko ganyan din ako tingnan – the way Jericho looks at Kristine,” tsika pa ni Bea.

Natanong din ang aktres if she’s dating someone right now at napaamin naman siya ni Dra. Aivee.

“Right now, parang I’m open to dating and also being happy. Na parang life is so short and if there’s anything that I learned from this quarantine and from all these things that has been happening, parang na-realize ko, life is short and that you have to be open to being happy. Parang dapat ‘di ako mag-suffer.

“Parang if it’s going to happen, it’s going to happen. If it doesn’t happen, I don’t even need to lie,” pahayag ni Bea.
Follow up na tanong sa kanya ay kung “yes” or “no” at natawa si Bea.

“I’m dating, okay? I’m dating,” pag-amin ng aktres.

Kung sino ay hindi na niya sinabi although maingay ang tsika ngayon na nagkakamabutihan sila ni Dominic Roque.

Leave A Reply

Your email address will not be published.