Abante Tonite Interactive

Bea napapaligiran ng boylet

433

Si Bea Alonzo na ba ang dapat na maging bagong poster girl para sa millennial cougar and cub relationship?

Aba, kung paniniwalaan mo kasi ang mga chika, bathaluman talaga ang maituturing sa kanya dahil not one, but two relative nubile men ang diumano, nararahuyo sa kanyang alindog at kariktan.

Una, ang lalaking minsan ay minahal ni Andi Eigenman, si Jake Ejercito. Pangalawa naman, ang boy borta na si Dominic Roque. Ano ito Bb. Alonzo, go for gold na ba talaga ang pagiging makabagong diyosa ng pag-ibig?

Iba rin pala ang maging single at devastatingly beautiful, huh! ‘Pag ang diva that you love, personal kang makakasalubong, ipupunos ko ang panyo ko sa iyo para naman kahit kaunting ganda mo, maambunan ako. Charot! Hahahaha.

Sa isang panayam, parehong itinanggi ni Alonzo ang mga nasabing linking kay Ejercito at Roque.

Si Jake, ayon sa this generation’s movie queen, one time big time niya lang nakadaupang palad at nakasama. Naawa na nga raw siya sa binatang kaguwapuhan dahil sa linking na ito at ayaw naman niyang mairita si Ejercito sa mga walang kapararakang chika.

Si Roque naman, talagang one of her male buddies lamang, nothing more, nothing less.

Ayan ha, kwentas claras na iyan. Nawa’y tumigil na ang chikang ito although hindi naman puwedeng itanggi na nakakadagdag sa gandang babae points ni Bea na may pagdama ang madlang pipol na hindi imposibleng maging katangi-tangi siya sa mga kalalakihang ito.

Ikaw na ang balakangin Bea at bukod tanging babaeng pinagpala sa lahat, huh!

Heart nabundat sa manok

Hindi kaya mas lalong tumaas ang sales ng isang fried chicken brand dahil kay Heart Evangelista?

Bakit kaniyo? Kasi sa kanyang Twitter post, sinambit niya ang pangalan nito dahil tila madalas niyang kinakain. ‘Yun ang dahilan kaya pinag-aakalaan siyang on the family at walang halong pag-iimbot at buong katapatan niyang sinulat sa post na siya ay “not pregnant pregnant.”

Ano ang moral sa kuwento? A) Iwasan rin natin ang pagkain sa nasabing fried chicken para makaiwas tayo sa pregnancy rumors?

B) Dapat na huwag tayong magkakandong sa ating minamahal na busog-lusog para ang ating mga tummy, hindi pagduduhan na may dinadalang supling?

C) Na iba talaga ang stellar value ni Love Marie Ongpauco-Escudero kaya kahit anong gawin niya, laging pinapansin kasi nga, siya talaga ang ultimate shala lady.

D) Ang fried chicken brand, dapat kunin siyang endorser dahil libreng social media mileage ang binigay ni Heart sa kanila. Isa na itong promo boost for them na masarap, katakam-takam talaga ang kanilang pritong manok at may stamp of approval ng tunay na Mrs. Escudero.