Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea ‘nasaktan’ kay Karla

0 742

NI: ARCHIE LIAO

Gaano katotoo na in-unfollow na raw nina Bea Alonzo at Karla Estrada ang isa’t-isa?

May mga siyeteng lumulutang na noon pa in-unfollow ni Bea si Karla.

Ito raw ay noong kasagsagan ng kontrobersya ng ghosting issue ni Gerald Anderson sa Kapuso actress.

Matatandaan pa ngang isang netizen noon ang nagpahayag ng kanyang paghanga kay Karla dahil sa pagtatanggol at suporta nito kay Julia sa kabila ng mga batikos at pambu-bully na natatanggap nito sa social media.

May nang-urot pa nga sa ina ni Daniel dahil sa pagtatanggol nito kay Julia.

Sey naman noon ni Karla, lahat daw naman ay kaibigan niya maging si Bea.

May mga katekaterang namang nagsabing na-hurt daw si Bea dahil sa pagpanig noon ni Momshie Karla kay Julia kaya in-unfollow na nito ang Magandang Buhay host.

Speaking of Karla, in-unfollow daw naman nito si Bea dahil ayaw na niyang makabasa ng pamba-bash kay Julia.

Close friend daw kasi nito si Marjorie, ang nanay ni Julia.

Sa kanyang IG account, follower din si Karla ng mag-inang Barretto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.