Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea nilantad ni Dominic

0 1,205

Iba talaga ang alindog at kariktan ni this generation’s beauty queen Bea Alonzo, huh! Kasi naman, talagang pinangangalandakan na ni Dominic Roque ang mga larawang magkasama sila kaya nagbubunyi ang kanilang mga follower.

Sayang nga at nawala agad sa IG stories ang mga larawan ng hello relatively young lovers .Pero ang kaganapang ito ay isang slowly but surely step na handang-handa na ang master Roque na isambulat sa lahat na yes oh yes, kung ano nga ang iniisip nating lahat ay totoong-totoo. Na hindi lang siya constant companion ni Phylbert Angeline kundi siya na talaga ang new forever at happily ever after man nito.

Alam naman natin kung gaano kasakit ang pinagdaanan ni Bea sa lalaking gustong maniwala tayo na ang tanging kasalanan niya lang ay nagmamahal siya, kapamilya.

With this brave display of what they have, makakaasa kaya tayo na one of these days, magiging special guest ni Bea si Roque sa kanyang YT channel? O mas marami pang photo at video sharing na ibabahagi si Dominic para sa kanilang adoring public’s consumption?

Sa true lang tayo, ngayong may apoy na baka maging Kapuso na rin si Bea Alonzo, bago pa maglagablab , dapat na itodo na ni Dominic ang kanyang anunsyo sa kanilang pagmamahalan,

Hindi na naman pang teenager ang kanilang mga gulang at ang mga sumusuporta sa karera ni Alonzo ay mga cosmopolitan at sophisticate na hindi isyu sa kanila na may minamahal ang mahusay na aktres sa totoong buhay. Mas tickled pink nga at I am happy for Bea ang mga sumusupoorta sa aktres if they know na she is in a happy place, na under the tender, loving care siya of Dominic.

**

Heart ayaw patulan ang mga inggitero

Alam naman natin na si Love Marie Ongpauco-Escudero, na mas kilala natin bilang si Heart Evangelista, eh hindi lang may pribeliheyo, may karapatan talaga itong magmaganda at magsuplada.

Kahit pasok na pasok ito sa kategoryang “Crazy Rich Asian,” appreciated natin ang kanyang flaunting of her designer shoes, bags and clothes and we do not take it against her.

Pag siya ang nagpapakita sa lahat na she goes to the supermarket in designer outfits, inspirational at aspirational ang dating sa atin. Hindi Imeldific. Mas lalong hindi cheeky Kardashian. O anorexic spoiled heiress Paris Hilton eme.

Pati nga ang attitude niya sa bashers, positibo, Ang latest kuda niya para sa mga ito: “Every bash is equivalent to a blessing…remember I said that.”

Ang ibig sahihin ni Mrs. Chiz Escudero, the more bashers and haters that you have, ang winnings mo sa buhay ay siksik, liglig at umaapaw.

Ayaw niyang patulan ang mg naiingit sa kanya. Kasi nga, si Heart ay marunong mag-share ng blessings kaya forever is not enough ang balik na blessings sa kanya.

Love Marie Ongpauco-Escudero for First Lady sa malapit na hinaharap? Why not, Choc Nut!

Ang diva that you love maswerteng mapanood ang uncut version ng pelikulang “Lockdown: mula sa For The Love Art Films ni Sir Jojo Barron at idinirehe ni direk Joel Lamangan.

Impressed sa pagkakahabi ng kwento of an OFW na muling bumalik sa Pilipinas during the height of the first months of the pandemic at protocol measures na pinagdaanan nating lahat. Panalo rin na hindi pilit na pilit ang “kapit sa patalim” element of the movie dahil mahusay na ipnakita dito na ang katauhang binigyang buhay ni Paolo Gumabao, ay hindi lang “reluctant,” literal na naduduwal siya sa video adult trade na kanyang papasukin para maitawid ang kanyang pamilya.
The movie is as timely as today’s headlines. May mga eksena talagang cringe worthy dahil super strong ang cinematic statements nito.

Maliban sa hirap at hikahos, pang balance ang adult video elements na walang halong pag-iimbot at buong tapang na ibinuyangyang sa pelikula.

Kung pamilyar na kayo sa mga adult video shows na popular sa kasulukuyan at pinayaman na nga ang isang Bidaman dati at isang marketing student, mapapanood niyong lahat ito sa “Lockdown.”

At hindi lang titillation ang mararamdaman niyo sa mga eksena, huh. Kasi may mga parunggit rin ito sa “pamintahan,” sa mga dahilan kung bakit may mga lalaking ginagawa ito, at power struggles between the societal classes.

Sa totoo lang, we have a new leading man in the person of Paolo Gumabao.

Hindi patay ang kanyang mga mata, may expression. Mababasa mo rito ang lungkot, saya, libog, pagnanasa, pagmamahal at pag-asa. Panalo ang depiction niya of an everyday Juan dela Cruz. Lalaking-lalaki ang sexiness at oozing talaga, sa true lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.