Abante Tonite Interactive

Bea ninakawan sa Lisbon

By
711

Hindi lang sa ‘Pinas uso ang mga mandurukot. Dahil maging sa mga mauunlad na bansa kagaya ng Portugal ay talamak pa rin.

Nabiktima ng mandurukot si Bea Alonzo sa Lisbon.

Isang netizen ang nagkomento sa post niya sa Instagram at pinag-iingat ang aktres dahil sa talamak ang pickpockets sa area na ‘yun.

Sumang-ayon ang aktres at sinabing nabiktima nga siya. Aniya, “Nanakawan nga ako ng wallet.”

Nag-alala naman ang mga fan sa kanya. Nagbilin pa na huwag siyang magsusuot ng backpack.