Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea panaginip lang dati ni Rhea Tan

0 481

NI: ROLDAN CASTRO

INANUNSYO ng Beautéderm Corporation sa mismong kaarawan ng President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan na bagong kapamilya si Bea Alonzo. Isa na namang di malilimutan na milestone sa pormal na pagsalubong kay Bea Alonzo bilang opisyal na endorser ng pinakabago nitong produkto na Etre Clair Refreshing Mouth Spray.

“Dreams do come true! Yazz, Bea is now one of my babies! Welcome Basha! ?? Bea Alonzo #BeaAlonzoforBEAUTéDERM,” mababasa Facebook account ni Miss Rei.

“Napapanood lang kita dati Basha. At inuulit ulit ko pa nga movies mo eh .Akalain mo o Baby na kita. Nakakachat pa. Panaginip ka lang dati eh. ?If you can dream it, you can do it loves! Kaya laban lang sa buhay, walang sukuan,” dagdag post pa niya.

Mula nang sinimulan niya ang kumpanya 11 years ago, isab na sa mga ultimate dreams ni Rhea ang makasama si Bea bilang bahagi ng illustrious roster of Beautéderm Brand Ambassadors.

Maligaya ang batang CEO ngayong nagkatotoo na ang kanyang pangarap na kabilang na kanyang stable of amazing endorser si Alonzo.

SM food to go Banner Ad

“Ina-admire ko si Bea,” sabi ni Rhea. “It has always been a dream of mine to collaborate with her as an endorser of Beautéderm. Nung una, parang imposible ang pangarap kong ito dahil sa humble beginnings ng kumpanya kaya naman talagang nagsumikap kami hanggang ito na nga at nagkatotoo na ang pangarap namin. It took me 11 years to make my dream come true and Bea is truly worth the long wait.

“Napakasarap din katrabaho ng kanyang manager na si Ms. Shirley Kuan. Very professional at very humble siya – she is everything that I imagined her to be. This is truly a wonderful birthday gift to me.”

Sey ni Bea, “It feels great! I’ve always been curious about the brand. Gusto kung paano lumaki ang kumpanya at kung gaano kabilis lumaki ang pamilya nito.

“Marami akong mga kaibigan na bahagi ng Beautéderm family, and I’m happy that I can finally endorse this brand alongside them.”

Inspired din si Bea nung nakilala niya si Rhea sa kauna-unahang pagkakataon, “Ang saya ko nung nagkita kami nuong shoot namin. I like being around strong and empowered women. Excited ako sa aming future campaigns.”

Para kay Bea, dinevelop ng Beautéderm ang Etre Clair – isang bagong produkto na isang hygienic essential, lalo na sa gitna ng pandemiya.

“These days, lagi kong ginagamit ang Etre Clair, and I suggest for everyone to use it as often to protect ourselves, lalo na ngayong mahirap ang kinakaharap natin. At organic at mint flavored pa ito. Fresh na fresh talaga ang feeling,” lahad pa ng aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.