Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea panalo maging ‘legal wife’

0 510

Totoo nga kaya ang chika sa isang entertainment portal na go for gold na ang Philippine adaptation ng Korean mega-hit drama na “The World of The Married Couple?’ At ang another how true. Dreamscape at ABS-CBN nga ba ang magsasanib pwersa para tiyaking no stones will be left unturned para tiyakin at par, if not better than the original ang legal wife versus young kabit serye?

Ang gusto ko pang malaman, pangatlong how true, sina Bea Alonzo, Jericho Rosales at Barbie Imperial nga ba ang napipisil sa mga pangamalakasang katauhan, ang doktorang walang malay, ang film director na asawang marupok at ang pretty young miss na ang tanging kasalanan lang ay siya ay nagmahal?

Sa true lang, bagay nga naman talaga ang role kay Alonzo bilang the cheated and jilted unang asawa . Sigurado tayong sasakmalin niya ang katauhan ng sakdal husay.

Kaya lang, parang she needs to age more for the role dahil parang next to impossible na may anak na siyang binatilyo with the katauhan of Papa Echo, hindi ba naman?

Palong-palo rin naman kay Imperial ang katauhan bilang juvenile concubine kasi nga mahirap namang talagang hindi marahuyo ang kahit na sinong lalaki sa alindog at kagandahan nito. May girl woman innocence pa rin kasi si Barbie, sa true lang.

At hindi naman dapat pagdabugan ng bangs ang husay ni Jericho. Maning-mani sa kanya ang katauhang binigyang buhay ni Korean actor Park Hae-joon.

Bakit hindi nila natin itodo ang casting? Gawing sina Bea at Gerald ang mag-asawa tapos si Julia Baretto. Para talagang art imitating life with matching truth is stranger than fiction ang kaganapan. Professional naman silang tatlo di ba? Ang savage ng casting! Tiyak pasabog sa rating. Ang tanong, sa magkano ang talent fee para umoo ang tatlo?Hahahaha.

Willie ‘di kailangan ang titulong Senador

Walang duda na para sa nakakarami, si Ginoong Willie Revillame na gabi-gabing pinapanood sa “Wowowin” ay isang earth angel. Sa totoo lang, sinasapuso talaga ni Revillame ang tagline ng Kapuso network na “serbisyong totoo.” Ang mga pa-premyo niya sa kanyang palatuntunan, hindi pa iyon sapat. Ang tawa at halakhak na ibinibigay niya sa mga tumatangkilik sa kanyang programa, dinadagdagan niya palagi. Maasahan natin si Kuya Wil sa isa sa palagiang nangununa sa paghahatid ng tulong sa lahat. Lalong-lalo na para sa economically disadvantaged, mga naapektuhan ng mga sakuna dahil sa kalikasan .

Kaya nga, ang diva that you love, hindi na nagtaka nung pumutok ang balita na ang may mabunying senador at isang ehukutibo sa isang higher government branch na inimbitahan ang Wowowin host para sa isang hapunan.

Alam na natin kung ano naganap sa nasabing hapunan. At mas lalong alam na alam natin ang mga salitang binatawan na tila nagpapahiwatig na may balak ang mga nasa may kapangyarihan na himukin si Revillame na subukan ang arenang politikal.

Walang duda na masaya ang nag-iisang Willie Revillame na malaman na nasasaksihan pala ng mga taong nakaupo sa palasyo ang kanyang kabutihan. Aware sila sa pagtugon at pagbibigay tulong niya sa abot ng kanyang makakaya para sa mga kababayan na talaga namang nalugmok ngayong pandemya.

Ang tanong, ang mga tagpuang ganito, ano nga ba ang susunod na kabanata?

Ang diva that you love, ang dasal ay na hindi lamang basta pag-isipan, kundi tanungin ni Kuya Wil ang sinisigaw na magmumula sa kaibuturan ng kanyang puso.

Sa totoo lang, hindi niya kailangan ang titulong senador, kongresista o bise presidente para makapagsilbi sa kanyang mga minamahal na kababayan. Hindi niya rin kailangan ang basbas ng kahit na sino man dahil bukas na aklat na kahit sino ang nakaupo sa palasyo, andiyan na siya, bukas palad ang pagtulong sa lahat.

Si Willie Revillame, hindi lip service ang kabutihan, kabaitan at pagmamahal sa lahat .Ang pagmamahal na ibinabalik at pinaparamdam sa kanya, more than tenfolds kaya patuloy na siksik, liglig at umaapaw ang mga biyaya niya na hindi niya pinagmamaramot.

Kaya, ipagputuloy niya ang kanyang sowing the seeds of love sa lahat at walang kapantay pa ang kanyang mga magagawa para sa mas nakakarami.


SB19 2M na ang view ng music video

Habang tinitipa ko ang pitak kong ito, halos 2M na ang views para sa bagong music video ng SB19.

Hindi pwedeng isnabin ang figures na ito dahil buhay itong patotoo na ang grupo talaga ang hari sa tinatawag na P Pop Global domination.

At kung bibigyang pansin at papanoorin niyo ito, talagang superlative ang mga element nito – camer work, cinematography, costumes, dances moves at yung kakaibang beat at tempo.

Kinarir talaga nila ang bago nilang PPop anthem na sinasabi nila sa lahat na ang SB19 ay talagang lalaban ang talento nila bilang mga artistang Filipino.

You know, yabang Pinoy at its most astig, angas and creative! Hindi lang sila malakas sa local vloggers, mas malupit ang reaksyon at paghangang tinatanggap nila mula sa international music vloggers na hindi rin pwedeng ismiran at isnabin ang numbers of subscribers.

Yes, hindi na nga magpapa-awat pa ang SB19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.