Abante Tonite Interactive

Bea pinalaya ang sarili

750

Ni Ronaline Avecilla

Matapos ang naging public statement ni Julia Barretto sa kanyang Ins­tagram, marami ang nag-abang sa magiging sagot ng aktres na si Bea Alonzo.

Pero nanatiling tahimik si Bea sa kabila ng suportang natatanggap niya mula sa mga fan at sa #TeamBea.

Bagama’t wala pang update sa Instagram feed ni Bea, pinalitan na niya ang kanyang Instagram bio ng “One day at a time”.

Naglalaan na rin siya ng panahon kasama ang kanyang malalapit na kaibigan. Kamakailan ay nakipag-bonding siya sa kaibigan na sina Paulo Avelino, LA Tenorio, kasama ang mga girlfriend at asawa nito.

Masaya ang mga fan na makitang handa na ang aktres na palayain ang sarili sa mga sakit na pinagdaanan niya. Namataan rin si Bea na nagsisimba nitong nakaraang Linggo.

Kung si Bea ay handa nang mag-move on, “coming out as a better man” naman ang plano ni Gerald Anderson para sa sarili.