Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea pinatamaan si Julia: ‘Hindi ako nakipaglandian’

0 7,869

Talk of the town na naman ngayon ang naging pahayag ni Bea Alonzo sa vlog ni Ethel Booba at feeling nga ng mga netizen, si Julia Barretto ang pinariringgan nito.

Sa one-on-one interview ni Ethel kay Bea, natanong ng una ang huli kung sino sa mga leading men nito ang totoong nanligaw rito.

“Teka, isa-isahin nga natin. Si Derek (Ramsay), hindi. Si Sam (Milby), definitely, hindi. Si John Lloyd (Cruz) hindi naman naging kami,” sey ni Bea.

“Parang wala,” sambit pa niya. “Kasi kahit si Paulo (Avelino). . .si Paulo, sobrang lapit nu’n sa akin.”

Hindi naman makapaniwala si Ethel na walang nanligaw sa kanya na leading man nito. “Wala talaga?” tanong niya ulit.

Sagot naman ni Bea, “baka hindi ako mahilig makipaglandian sa katrabaho” sabay-tawa. “Ang hirap, mag-aaway kayo sa taping, di ba?” dagdag pa niya.

Na-mention ni Bea ang ex-boyfriend niyang si Zanjoe Marudo na nakatrabaho niya sa Maalaala Mo Kaya, “pero naging kami 5 or 6 years later pa, pero hindi dahil nakatrabaho ko siya,” aniya.

Sa comment section ay ang statement niya talagang ‘hindi siya nakipaglandian sa trabaho’ ang tumatak sa mga netizen.

“WHAHHAHAHAHA DI DAW SYA MAHILIG MAKIPAG LANDIAN SA KATRABAHO (EHEM JULIA!!) hahahahhaha,” komento ng isang netizen.

Biro naman ng isa, “Julia B left the group.”

As we all know, nagkasama kasi sina Julia at ex-boyriend ni Bea na si Gerald Anderson sa pelikulang Between Maybes at dito nga sila nagsimulang ma-link.

May isang statement pa si Bea na tila parinig naman kay Gerald/ Tinanong kasi siya ni Ethel kung pihikan siya sa pagkain. Sagot ng aktres, hindi raw at sobrang hilig nga raw niyang kumain kaya tabain siya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero maya-maya, humirit siya ng “dapat pala, ang ayaw ko, garlic para layuan ako ng mga multo.”

Of course, maikokonek mo ito sa ‘ghosting’ na akusasyon ni Bea kay Gerald.

Sharon tinangayan ng P500 K

Naranasan na rin pala ni Sharon Cuneta ang manakawan ng malaking pera ng sarili niyang tao mismo. Ikinuwento niya ito sa panayam ni Ogie Diaz sa YouTube.

Napag-usapan kasi nila ang tungkol sa mga taong humihiram ng pera na wala nang balikan. Ani Ogie ay napakarami niyang ganitong karanasan at sey ni Shawie, siya nga raw ay ninakawan pa.

“Assistant ng assistant ko (ang nagnakaw),” kwento ni Sharon. “Ninakawan na ako noong una, pinagbigyan ko pa dahil naawa ako, may anak.”

Pero ninakawan daw siya nitong muli. And this time ay malaki nang halaga.

“The second time, kalahating milyon na ang ninakaw sa akin. Noong una, maliit lang. So ngayon, siya naman ang sumulat ng confession niya, tapos nun’g meron na siyang warrant of arrest, nagtago na sa probinsya,” tsika ni Shawie.

Pinabayaan na lang daw niya at hindi na niya ito hinabol pa.

“Okay lang, pinasa-Diyos ko na lang. Hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon,” sey niya.

Bukod dito, nanakawan din daw ang mommy at daddy niya noong nabubuhay pa ang mga ito ng mga empleyado nito. “So, wala kaming minana,” pagbabahagi pa niya.

Kaysa raw gumastos pa siya sa paghahabol, pinapasa-Diyos na lang daw niya.

“Mas masakit magparusa ang Panginoon. Kasi pag ako ang gumanti, magkakasala pa ako. Pag pinasa-Diyos ko, tried and tested and proven ‘yan. Pag talagang binabalikan, iba. Dinadasal ko. Lord, vengeance is Yours, You punish this person for me, I will not do anything, I’ll obey You,” saad ni Megastar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.