Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea target si Alden

0 532

NI:VINIA VIVAR

Pareho ang nararamdam ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at ang Millennial Movie Queen na si Bea Alonzo.

Bet nila ang isa’t isa para mag-partner sa isang pelikula.

Bagamat nagsama na sila sa shampoo commercial, gusto nilang ituloy ito sa movie.

SM food to go Banner Ad

Lahad ng aktres sa kanyang YouTube channel, sana raw ay magkaroon sila ni Alden ng acting project. Wish niya na maisakatuparan ‘yun.

“ He’s such a nice person,” papuri pa ni Bea sa Kapuso aktor.

Sobrang bait daw ni Alden at ang team nito nang magkasama sila sa commercial.

“ I had the best time with him,” aniya pa.

Naniniwala rin siya na magaling na aktor si Alden dahil napanood daw niya ito sa ‘Hello, Love, Goodbye.’

Leave A Reply

Your email address will not be published.