Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea todo alaga ni Dominic

0 187

Sa bagong entry ni Bea Alonzo sa kanyang vlog, sumalang ang Kapuso actress sa A to Z challenge kasama ang kilalang YouTuber na si Zeinab Harake.

Sa naturang challenge, sinagot ni Bea ang ilang personal na tema mula authenticity hanggang zero.

Ani Bea, mahilig daw silang kumain ng boyfriend niyang si Dominic Roque.

Katunayan, love raw niya ang Japanese foods kahit pa raw araw-araw niya itong kainin.

Isa pang common character trait nila ni Dom ay ang pagiging family-oriented nila o mapagmahal sa pamilya.

Hirit pa niya, opposite daw sila ng nobyo dahil magkaiba ang kanilang mga hilig at ugali. Pero sa kabila noon ay nagkakasundo raw naman sila.

Aminado rin siyang sa kanilang dalawa ng boyfie ay todo alaga siya ni Dom.

Tungkol naman sa fairy tales, hindi raw siya naniniwala sa happy ever after na nababasa lamang .

“I don’t believe in fairy tales anymore because life isn’t perfect. Na walang knight in shining armor dahil in the end, you have to save yourself. Na ikaw ang bubuo sa sarili mo, ” aniya.

Hindi na rin daw niya matandaan kung kelan siya huling umiyak.

Favorite quote raw niya ang: “She found herself and the game has changed. “

Sey pa niya, ang best revenge raw para sa kanya sa mga taong nasaktan siya ay ang moving on and being happy.

Tanggap kasi niyang hindi na darating ang panahon na iyong nakapanakit sa kanya tulad ng kanyang ex ay aamin pa sa ginawa nitong kasalanan.

Zeinab wapakels sa lait

May 11 million followers na ang YouTuber na si Zeinab Harake.

Aniya, noong hindi pa raw siya social media star, nagsimula siya bilang majorette na uma-attend lamang sa mga lamay.

Malaki raw ang pagbabago sa kanyang buhay nang maging vlogger na siya.

Marahil daw kaya naging interesado sa kanya ang mga tao ay dahil sa content ng kanyang vlog.

Nagpapakatotoo lang daw kasi siya at walang pretensyon sa kanyang entries.

Nagkaroon din daw ng panibagong direksyon ang kanyang buhay nang magkaanak siya sa hiphop artist na si Skusta Clee . Ito’y sa katauhan ni Baby Bia.

Sa tanong naman kung bet nitong pumasok sa pag-aartista, feeling niya, mas nagi-enjoy siya sa vlogging.

Iba na rin daw ngayon ang prayoridad niya lalo na’t may babies na siya.

Tungkol naman sa kanyang detractors, aminado si Zeinab na marami ang lumait sa kanyang pagkatao noon pero ngayon ay wapakels na siya.

Aniya, naging panuntunan na raw niya na laging maging masaya dahil naniniwala siyang happiness is the best revenge.

Dagdag pa niya, suportado raw nila ni Skusta ang isa’t-isa pagdating sa kanilang endeavours.

Jinkee inaabangan sa ukay-ukay na suot

Noon pa mang hindi pa nagpapahayag ng kanyang intensyong tumakbo sa pagkapangulo ang kanyang mister na si Manny Pacquiao, nababatikos na si Jinkee ng mga netizen. Ito’y dahil sa pagdi-display ng magagarbong designer at luxury items sa social media.

Nito namang mag-file na ng kandidatura ang boxing icon sa COMELEC, pinag-uusapan ang tila pagbabago sa kanyang imahe at lifestyle.

Simple lang ang kanyang OOTD at wari’y kumambyo nang samahan niya ang asawa sa paghahain ng presidential bid nito.

Hirit tuloy ng madlang people, hindi raw kaya pinayuhan ng campaign stategist ng senador na maghinay-hinay muna ang misis ni Manny sa pagdi-display ng kanyang mga mamahaling gamit?

Ngayon naman, abangers ang mga netizen sa mga susunod na post ni Jinkee sa Instagram account nito .Kung pang-Divisoria o pang-ukay ukay na ba ang OOTD nito?

Leave A Reply

Your email address will not be published.