Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea todo iyak kay Dimples

0 265

NI: VINIA VIVAR

May rebelasyon si Bea Alonzo sa kanyang latest YouTube vlog kung saan ay sinagot niya ang most-searched questions sa kanya sa Google.

“So, I googled myself, and these are the most searched questions about me. Nakakagulat yung iba,” ang deskripsyon ni Bea sa kanyang vlog.

Isa sa mga most-searched questions ay kung ano raw ang ginagawa niya sa Kadenang Ginto. Matatandaan kasing nagkaroon ng cameo ang aktres sa nasabing top-rating afternoon drama at nag-trending ang guesting niyang ito na ang kaeksena niya ay ang kaibigang si Dimples Romana.

Natatawang kwento ni Bea, nabudol daw siya kasi ni Dimples that time.

SM food to go Banner Ad

“Because, nabudol ako ng kaibigan ko. Nagpunta ako sa bahay ni Dimples, at that time may pinagdadaanan ako na hindi alam ng marami at that time,” simula ni Bea.

Patuloy niya, “and then, inabot ako ng 5 in the morning sa kanya, kakaiyak. Eh yung call time niya 7 AM, so literally parang, pinikit na niya yung mata niya, tapos dinilat niya, tapos naligo na siya at pumunta sa taping.”

At pagkatapos, sabi raw ni Dimples sa kanya, “ay naku, dahil pinuyat mo ko, magka-cameo ka dito sa Kadenang Ginto.”

Which she did. Maikli lang ang nasabing eksena kung saan ay nagkabanggaan sila ng karakter ni Dimples na si Daniela, pero ang lakas ng impact at ikinagulat ng lahat.

After her ay si Angel Locsin naman daw ang nag-cameo sa nasabing soap.

“So, fun, fun, fun,” sey pa ni Bea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.