Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea type tikman ang menudo ni Marian

0 65

Hindi nagkaila ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo sa paghanga niya sa Dantes family.

Matatandaang nakatrabaho na noon ni Bea si Dingdong sa isang pelikula at looking forward naman siya ngayon na makasama at makilala pa si Marian ngayong nasa iisa na silang network.

At excited din daw siyang matikman ang menudo na specialty ng Kapuso Primetime Queen.

“I’m looking forward na mapaglutuan at matikman ko ang menudo ng lola niya. Sana potluck kasi gusto ko din magluto naman ng kaldereta o iba pang putahe para dalhin sa bahay niya,” nakangiting sambit ni Bea.

Winelcome naman ng DongYan si Bea sa GMA.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

“I’m happy kasi ganyan sila ka-warm mag-welcome and I’m so looking forward to working with them and having them as my friends,” ani Bea.

Keber sa katapat: Alice natuwa sa maagang oras

Masaya ang Kapuso actress na si Alice Dixson sa mas pinaagang timeslot ng hit family drama series na ‘Legal Wives.’ Keber niya sa katapat na serye.

Ani ni Alice, “Natutuwa kaming lahat because an earlier timeslot also means more viewership. Nagpapasalamat kami sa mga nanonood ngayon at sa mga sumusubaybay. Napaka ganda ng reactions and comments.”

Pahayag pa ng aktres, mas kapana-panabik ang mga eksenang dapat abangan sa serye kung kaya’t dapat na tumutok ang mga manonood.

Leave A Reply

Your email address will not be published.