Abante Tonite Interactive

Bea umariba ang kita ng endorsement

0 512

Nawasak man ang puso ng aktres na si Bea Alonzo dahil sa hiwalayan nila ng ex-dyowa na si Gerald Anderson, umaariba naman ang kanyang career.

Bunga kasi ng maiinit na kontrobersiya sa pagitan nina Bea, Gerald Anderson at Julia Barretto, naging mabenta umano ang produktong ini-endorso ni Bea.

Bumulusok at humarurot ang kanyang endorsement, ayon ito mismo sa may-ari ng produktong ini-endorso niya.

Malinaw na nakuha ni Bea ang simpatya ng publiko. Lalo na at pumatok ang terminong “ghosting” na siya umanong ginawa ni Gerald kay Bea.

Samantala, kumalat ang new look ni Bea sa bago niyang teleserye sa Dos na makakasama si Richard Gutierrez. Spotted ang aktres sa kanyang napaka-ikling boy cut wig, sa taping sa General Santos City. (Ronaline Avecilla)