Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea unang kasal sa huwes

0 96

Sa pagsisimula ng taong 2021, first episode ni Bea Alonzo for her YouTube vlog ay ang kanyang pagpapahula kasama ang kaibigang si Kakai Bautista.

Nag-imbita si Bea ng tarot-card reader para hulaan sila ni Kakai kung ano ang kapalaran nila ngayong 2021.Nilinaw naman agad ng aktres na for fun lang ito at hindi naman kailangang lubos na paniwalaan.

Caption ni Bea, “Happy New Year! We shot this episode before we all became so busy with our parties. Nagpa-tarot card reading kame ni @kakai Bautista and believe me, naloka kame sa mga predictions. P.S. Katuwaan lang po ito!”

Ayon sa tarot-card reader na si Niki Vizcara, magiging maganda ang career ni Bea this year although magkakaroon daw ng maraming issues. Reyna pa rin daw ang aktres basta’t ‘wag lang magpapa-distract.

Dagdag pa niya, wala pa raw makakapagpatumba kay Bea dahil magiging matagumpay pa rin daw ang career nito. May 8 major projects daw siyang nakikita para sa aktres at may gagawin din daw itong proyekto abroad.

‘Kaaliw ang part kung saan sinasabi ni Niki na may lalaking iniisip ngayon si Bea. Natatawang sagot ng aktres, “lagi na lang lalaki ang nasa isip, talandi.”

Sey naman ng manghuhula, “’yung koneksyon mo sa lalaking ito is sa pera, sa business.”

Pero nakita rin sa card ni Niki na gusto na raw makipagrelasyon ni Bea at gusto nang mahanap ang “forever.” Pero right now ay wala pa raw siyang nakikitang seryosong relasyon para sa aktres.

Binalaan din ng tarot-card reader si Bea na may gusto raw umaway sa aktres kaya pinag-iingat niya ito.

Natanong ni Bea kung ikakasal pa ba siya at ayon sa lumabas sa baraha, later pa raw pero civil daw ang una at hindi church wedding.

“Either 7 months from now or 7 years (ikakasal),” anang card-reader.

Naloka si Bea dahil ayaw pa niya kung 7 months at masyado pa raw maaga. Kung 7 years naman eh matanda na raw siya nu’n.

Pero magiging bongga raw ang married life ni Bea kung medyo later pa ito magpapakasal. Lumabas din sa card ang guy na mapapangasawa niya. Matured na raw ito at true ang love nito sa kanya.

Tinanong din ni Bea kung magkaka-anak pa siya at lumabas naman sa card na supposedly ay tatlo ang magiging anak niya pero mas klaro raw ang dalawa, 1 boy and 1 girl.

“Very long life ka, very bongga ang career mo,” sey pa ni Niki.

Samantala, kinumpirma naman ni Bea na may tatlo nang pelikulang naka-line-up na gagawin siya hanggang June.

Sey pa ng aktres, “if there’s anything that I learned in 2020, if an opportunity knocks on your door, you should always say ‘yes.’”

Leave A Reply

Your email address will not be published.