Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea wow kumabayo!

0 335

Sandaling nasubukan ni Premier Volleyball League (PVL) star Isabel Beatriz ‘Bea’ De Leon ang pamumuhay sa loob ng isang malawak na rantso kung saan tumodo pa sa pangangabayo sa pagtungo sa Lipa City.

Ipinasilip ng Choco Mucho Flying Titans middle hitter sa Instagram video post kahapon ang senaryo, na nilagyan niya ng caption na “haciendera”.

Maaring mahusay kumabayo ang 23-taong gulang at may taas na 5-11 na dalaga dahil wala ni isang umaalalay sa kanyang pagrenda sa hayop.

Wala pang training camp sa team si Bea dahil sa lockdown na dulot ng pandemic Coronavirus Disease o COVID-19. Setyembre o Oktubre pa lamang magbukas ang 4th PVL 2020. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.