Beach handball, pilak sa SEAG

NASUNGKIT ng National Men’s Beach Handball Team ang unang pilak na medalya para sa Team Pilipinas matapos nitong pahirapan muna ang nagwagi na host Vietnam sa kampeanto ng nagtapos na Beach Handball sa ika-31st edisyon ng Southeast Asian Games na ginanap sa Tuan Chau, Quang Ninh sa Hanoi, Vietnam.
Unang nakuha ng Pilipinas ang unang set bago nakabawi ang defending champion na Vietnam. Pinilit ng mga Pinoy na makuha ang matira-matibay na ikatlong set subalit napigilan sila ng mga Vietnamese.
Ang pilak ang pinakamataas na napanalunan ng pambansang koponan kung saan huli itong nagwagi ng tansong medalya noong 2019 edition ng torneo na ginanap sa Manila.

Samantala’y nagawa naman magwagi ni Renalyn Dacquel kontra Kanwara Boonpeng ng Thailand, 3-0, sa Women’s Full Contact -48kgs semifnals upang masiguro ang tansong medalya.
Wagi din si Claudine Veloso kontra Linh Bui Hai ng host Vietnam sa Women’s Low Kick -52kgs semifinals upang itala na nito ang Pilipinas sa medal board. (Lito Oredo)