Abante Tonite Interactive

Beach resort sa Zambales ininspeksyon

By
3,042

ININSPEKSYON ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng probinsya ng Zambales ang mga beach resort sa Iba kung saan dalawa sa mga establisyemento ang inisyuhan ng notice of violation.

Nakitaan ng paglabag ni Zambales PENRO Laudemir Salac ang Palmera Beach at ang Bakasyunan Resort sa kanilang waste disposal management at sanitary facility.

Nabigo rin makapagpakita ang mga ito ng Environmental Compliance Certificate (ECC) galing sa DENR.

Gayunpaman, pinayuhan ni Salac ang mga lumabag na beach resort owners na kaagad na mag-comply sa kinakaila­ngang certificate upang hindi maisyuhan ng cease and desist order o tuluyang ipasara.