Abante Tonite Interactive

Beach volley magpapainit

252

By Elech Dawa

Sa ikalawang sunod na taon, muling magi-ging punong abala ang Pilipinas sa FIVB Beach Volleyball World Tour 1-star na hahataw sa May 23-26, sa Boracay Island.

Inorganisa ng Beach Volleyball Republic, ang four-day, double-gender tournament ay lalahukan ng 20 women’s at 28 men’s teams mula sa 17 bansa.

May apat na women’s teams ang Pilipinas sa main draw – ito’y sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons, Dij Rodriguez at Bea Tan, Jackie Estoquia at DM Demontaño at Fiola Ceballos at Patty Orendain.

Dadaan naman sa qualifying ang pang-limang team ng Pilipinas na sina Babylove Barbon at Gen Eslapor.

Ibabandera naman ng Pilipinas sina Air Force duo Ranran Abdilla at Jesse Lopez sa men’s division, kasama sina collegiate standouts James Buytrago at Krung Arbasto at Cebu pair Mike Abria at Jade Becaldo.