Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea,Piolo fan page target ng sindikato

0 462

NI: ROLDAN CASTRO

Naloka si Bea Alonzo na binibili ng mga sindikato ang fan page niya. Pati na rin ang fan group nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo ay inalok din umano na ibenta ito kapalit ng malaking halaga.

Post ni Bea sa kanyang IG story “Had to post this. Woke up to these messages from my supporters. I wonder why these people would offer to buy these accounts all of a sudden? For what?”

Related Posts

Nabuking din ni Bea na pati ang ibang big stars ng Kapamilya ay binibili rin ang kanilang fan page at fan groups. Hirit niya ay madlang pipol na lang ang humusga sa nakakaalarmang offer na ito.

May post din ang aktres galing sa administrator ng Bea-Ian Veneracion fan account.

Ang nakalagay sa quote card ay “Like abscbn my BeaIan precious acc is not for sale po.

“Pra lang to sa mga lovesko @beaalonzo and papa ih.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.