Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beasley, asawa tadtad ng kaso

0 136

Kinasuhan si National Basketball Association (NBA) player Malik Beasley ng Minnesota Timberwolves kaugnay sa gulo at iba pang kinasangkutan noong September.

Inaresto ang 23-year-old, 6-foot-1 shooting guard dahil sa panunutok ng “all-black assault rifle” sa tatlong magkakapamilya na pumarada sa tapat ng kanyang bahay sa isang home tour sa Plymouth, Minneapolis.

Kasama ang girlfriend na si Montana Yao, nahaharap din si Beasley sa drug charges nang makuhanan sila ng bulto ng marijuana pagkatapos ng unang insidente, ayon sa statement ng Hennepin County Attorney’s Office.

Hinalughog ang bahay ni Beasley, bukod sa ipinangtutok niya sa pamilya, nakuha rin ng pulisya ang tig-isa pang handgun at 12-gauge shotgun.

Kasong fifth-degree drug possession at felony threats ang kinaso kay Beasley, fifth-degree drug possession kay Yao na ina ng kanilang 1 ½-year-old son.

“We are aware of the charges involving Malik Beasley,” bahagi ng inilabas na statement ng Wolves. “We take these allegations seriously and will let the legal process run its course.”

Sa ulat ng Minneapolis Star Tribune, sinabi ni Yao na sa kanya ang marijuana na kinuha sa isang medical marijuana dispensary. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.