Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beasley nagka-COVID

0 290

Pinauwi ng Brooklyn Nets ang bagong hugot na si Michael Beasley nang dapuan ng COVID-19 sa Orlando.

Sumama sa Disney World si Beasley para sana ayudahan ang Nets na nauubusan na ng tao dahil sa coronavirus.

Hindi pa nakakalaro sa kanyang NBA return, diskaril ulit si Beasley.

“Nets forward Michael Beasley tested positive for coronavirus, returned home and his roster status is up in the air,” tweet ni Shams Charania ng The Athletic.

Inihayag ng NBA kelan lang na dalawang players ang nag-positive sa coronavirus sa initial quarantine. Pinauwi o kaya ay inilagay sa isolation housing ang mga ito, pero hindi binanggit kung kasama si Beasley sa positive.

May iba pang concern ang Brooklyn.

Wala na sina Kevin Durant, Kyrie Irving, Spencer Dinwiddie, DeAndre Jordan, Taurean Prince, Wilson Chandler at Nicolas Claxton.

Ubos ang roster, kailangan pa nilang pasakan ang babakantehin ni Beasley.

Ang problema ay kung sino. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.