Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beatrice ka-level nina Pia, Catriona

0 88

NI: NONIE NICASIO

Itinanghal na Miss Universe Philippines 2021 si Beatrice Luigi Gomez.

Ginanap ang coronation sa Hennan Resort Convention Center sa Panglao, Bohol last Thursday.

Sa Instagram post ng theqrownph, makikita kung gaano ka-sexy ang dalaga sa suot niyang swimsuit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tunay na nakapaglalaway at sagad sa hotness ang tindig ni Beatrice.

May sariling karisma at kakaibang sex appeal si Beatrice na bibitbitin niya sa pagsabak sa Miss Universe 2021 pageant na gaganapin sa Eilat, Israel sa December.

Ang 26 year-old na kinatawan ng Cebu ay advocate ng Gender Sensitivity and Awareness. Si Beatrice ay may taas na 5’ 9” at isang reservist sa Philippine Navy-Marines.

Open ang kanyang pagiging member ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT). Hati ang opinyon ng karamihan sa bagay na ito. May nagsasabing wala raw napanalunan ang Spain sa Miss U kahit maingay na transgender ang kandidata nito. Iyong iba naman, kesyo Gazini Ganados at Rabiya Mateo vibes na luhaan daw sa Miss U.

May nagtatanong din kung keri ba ni Beatrice na maging bagong Catriona Gray at Pia Wurtzbach? Maging ka-level kaya niya ang mga ito na kinayang dalhin ang bandila ng ‘Pinas sa Miss U? Ang mga katanungang iyan ay magkakaroon ng kasagutan sa December.

Leave A Reply

Your email address will not be published.