Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beauty and Brain! Ruth Vega, wagi sa ‘Miss Millennial 2020’

0 113

Dahil sa angking ganda at talino kung kaya’t nakoronahan at tinanghal na Miss Millennial Philippines 2020 quarantine edition, kamakalawa ng gabi si Ms. Niña Ruth Vega, anak ng dating police beat reporter na si Vic Vega ng Manila Bulletin at Sports Reporter na si Virgie Rodriguez Vega.

Napabilib ni Ruth ang mga hurado sa kanyang sagot sa question and answer portion kung saan tinanong siya na, “If you win tonight, How can you contribute ‘Millennial Spirits’ to other?”

Ang sagot ni Ruth “If Iwill be the one who will win the crown tonight, it would be an honor, worthy of appreciation, this can become my key to spread love, happiness and moral lesson to the youth by the use of my voice and social media, I can use this platform to encourage more people to be positive during this tough times we need each other. And also becoming a role model for the upcoming generation because I do believe, united as one would be an impact for the greater good of the society”.

Namumugod tangi rin si Ruth kumpara sa 44 na beauty na galing sa iba’t-ibang bayan at lalawigan na kanyang nakatunggali sa search for Miss Millennial Philippines 2020.

Bukod sa korona ay nakuha rin ni Ruth ang mga major at special awards na Best in Resorts Wear, Best in Catwalk, Peoples Choice Award, Best in Pageant Walk, Best in Photo, Best in Designer’s Choice Formal Wear at Elsie Delos Reyes Creations Ambassadress.

Taos pusong nagpapasalamat si Ruth, una sa Panginoon, sa kanyang pamilya, kaibigan at lahat ng taong tumulong at sumuporta para makamit niya ang matagumpay sa competition.

SM food to go Banner Ad

“God’s timing is always perfect, Thank you Lord, thank you to My Family and Friends, Thank you to the organizer of the pageant P4 sir Kenneth Nabua, thank you so much to my coach and handler Brylle Solidum, Garcia Sullano and photogs Januz Morrisey Lugay, I Love you All,” pahayag ni Ruth.

Matapos ang koronasyon kamakalawa ng gabi ay pinaghahandaan na ngayon ni Ruth at coach Brylle ang isang International competition na gaganapin sa Thailand sa susunod na taon para katawanin ang Pilipinas.

Ang 17-taong gulang na si Ruth ay tubong Las Pinas City, dangal, karangalan at i-hemplo ng mga kabataan sa Las Piñas.

Si Ruth ay siya ring kinoronahan bilang Miss Teen Glam Philippines 2020 at

kauna-unahang Miss Magnetico Philippines World 2019.

Grade 11 student siya ng University of Perpetual Help, System Dalta, Las Piñas Campus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.