Abante Tonite Interactive

BEAUTY APP sa cellphone

0 241

Pag-usapan natin ang tungkol sa sel­fie, filter at kung ano-anong application sa cellphone para maging maganda ang ating hitsura.

Marami sa atin (gaya ko) ang nagse-selfie at gumagamit ng mga applications sa phone para lang mapaganda ang ating larawan.

Ang iba, ina­abuso masyado ang paglalagay ng mga beauty application na halos hindi na sila makilala sa sobrang kinis, puti ng kutis at kagandahan.

Hindi masama ang gumagamit ng beauty application sa intensyong para lang sa ating mga mata at hindi para i-please ang ibang tao.

Meron namang ginagamit ang natu­rang application para makapanloko ng tao, na sa huli, sila rin naman ang nasasaktan.

Siyempre naman kukunan mo ang sarili mo, tadtarin mo ng kung ano-anong beauty application hanggang magmukha ka nang modelo.

Bibilib at hahanga ang pinagpadalhan mo ng photo lalo na at hindi ka kilala para lang sa isang personal mong intensyon.

Pero ‘pag nakita ka sa personal at malayo ang hitsura mo, posibleng kuwestyunin, madismaya ang kaharap mo, and worse laitin ka pa.

Kung fun-fun lang ito among friends para lang magkasiyahan, hindi masama ang beauty application.

Kung ang intensyon mo ay paliwanagin ang background ng kinu­nan mong photo at lagyan ito ng color tone gaya ng usong-usong ‘pre set’, ok na ok ito.

Saka maraming paraan para lumabas kang mas maganda sa shots ng camera sa cellphone mo.

Hanapan mo ng anggulo ang iyong sarili. Paatas ang kuha para magmukhang payat ang mukha at katawan.

Kung whole body naman, paitaas nang konti ang pag-shot ng photo para huma­ba ang legs (kung naka-shorts, mini skirts o leggings).

Magsuot ng mga print o color shirts na nakakapagpapayat kung gusto mong lumiit nang bahagya ang iyong katawan.

Stripes, printed shirt ang isuot para magmukhang payat gaya ng isinusuot ko.

Para mas mag-glow ang buong aura kahit puyat, pastel at iba pang happy light color ang isuot.

Lahat nakukuha sa anggulo at ang paggamit ng beauty application sa cellphone ay tulong lang para mas magliwanag, magkaroon ng light texture ang mga shots.

Basta, kung saan kayo masaya, ‘wag lang manloloko ng kapwa, dedmahin ang pami­mintas at pagpuna ng iba.