Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beauty bagong partner ni Dingdong

0 170

NI: ARCHIE LIAO

Maganda ang naging feedback ng unang proyekto ni Beauty Gonzalez bilang Kapuso. Katambal niya ang promising young actor na si Kelvin Miranda.

Ang nasabing TV series ay tumatalakay sa May-December affair.

May plinaplano na raw agad na kasunod na project ang GMA para kay Beauty.

May unconfirmed report na isa raw prized o A-list GMA-7 actor ang kanyang magiging leading man.

May mga birdie namang nag-tweet na posibleng ang next na ipapareha sa kanya ay walang iba kundi si Dingdong Dantes.

Sa kasalukuyan, nasa bakasyon pa sa Paris si Beauty kasama ang kanyang pamilya.

Balita ring pagbalik nito mula sa France ay saka mag-i-start ang shoot ng kanyang next project.

Binubuo pa raw ang casting nito at malamang na sa Nobyembre na ang simula ng lock-in taping nito.

Kung walang maging pagbabago sa casting at kung sakaling si Dingdong nga ang kanyang next leading man, marami ang nagsasabing sadyang masuwerte ng Kapuso actress.

Leave A Reply

Your email address will not be published.