Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beauty bilib kina Ariel, Sid

0 62

NI: ROLDAN CASTRO

Feeling blessed si Beauty Gonzalez na makatrabaho ang award-winning actors na sina Ariel Rivera at Sid Lucero sa GMA Afternoon Prime series na “The Fake Life”.

Sa #KPRGAsks video sa Kapuso PR Girl Facebook account, inamin ni Beauty na talagang hanga siya sa pag-arte ni Ariel gayundin ang mahusay na pagganap ni Sid sa kanyang karakter.

Tiyak daw na maraming madudurog ang puso, maiinis sa mga eksena, at mapapamahal sa kuwento ng kanilang serye.

Mapapanood ang “The Fake Life” mula Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Leave A Reply

Your email address will not be published.