Abante Tonite Interactive

Beauty-Dimples giyera pak na pak

516

Hindi naman puwedeng ipagkaila ang banga-yan, sampalan, sabunutan, suntukan at tara-yan nina Dimples Romana at Beauty Gonzales, bilang Daniela at Romina ay isa sa malaking dahilan kaya ang mga tao ay haling na haling sa afternoon dramang “Kadenang Ginto.”

Maliban sa tilapia wars na araw-araw nating nasasaksihan, hindi rin puwedeng itanggi na malakas ang pangrahuyo sa madlang pipol nina Marga, Cassie, Kristoff at Mikoy na ang nagbibigay-buhay naman ay ang mga teen sensation na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Ang nakakatuwa sa apat na kabataang ito, mahusay sila, nagtatrabaho nang walang halong pag-iimbot at buong katapatan at dahil nga sa angkin nilang galing, you cannot help but root for them and wish na sooner than soon, ang away sa pagitan ng kanilang mga ina ay mag-ceasefire na para naman their four nubile characters, makahinga na at ma-enjoy ang best years of their lives.

Dapat ding bigyang kredito ang pool of wri-ters nito, ang mga director, ang lahat ng kasali sa artistic, production at technical staff dahil ‘yung finished product at polish na ating pinapanood sa araw-araw, sila ang dapat papurihan. Hindi madali ang kanilang ginagawa.

Ang pressure talaga, nasa kanila, lalo na sa grupo ng mga manunulat at mga director dahil hindi puwedeng lumaylay ang istorya, dapat laging ang mga twists and turns, hindi lang kaabang-abang kundi maniniwala ang mga manonood na puwedeng mangyari ang kanilang natutunghayan.

Dapat ding papurihan ang ilan pang mga artistang kasali sa “Kadenang Ginto” kaya nakakaakit ito sa pananaw ng mas nakakarami.

At the rate things are going sa “Kadenang Ginto,” bilang mga manonood nito, all we can do is buckle up our seat belts at i-enjoy ang guilty pleasure natin.
***

Gender ni Iyah Mina big deal sa direktor

May mga katoto ako sa PMPC kaya tuwing inilalabas nila ang kanilang mga nominasyon para sa kanilang taunang Star Awards, mapa-telebisyon o pelikula ito, inaabangan ko na lang ang resulta kung sino ang magwawagi.

Ang Star Awards kasi, walang pretension, pinapanalo nila ang sa tingin nila ay karapat-dapat. Magka-kontro-bersiya man, sangrekwa man ang hating o bashing matapos ang kanilang gabi ng parangal, amusing o amazing man ang winners, kaya nilang pa-ngatawanan at higit sa lahat, kaya nilang ipaglaban.

Kaya nga ang tanong ng diva that you love, ‘pag magmataray at nagdabog ang bangs ng “Mamu Is A Mother Too” director Rod Singh, kasi nga si Iyah Mina ay nasa kategoryang New Movie Actor of the Year, ano kaya ang magi-ging reaction ng mga taga-PMPC?

Hindi ba kamakailan lang, sa GEMS Hiyas ng Sining Awards, ang producer ng “Mamu,” may mahabang kudang binasa kung bakit dapat sa “actress” category si Mina? Ngayon kaya, ano na naman ang drama nina Singh and company sa pangyayaring ito?

Good luck sa nominees at congratulations sa would be winners ng PMPC Star Awards for Movies!