Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beauty hindi kawalan sa ABS-CBN

0 861

NI: ARCHIE LIAO

Iniintriga ngayon ang paglipat ni Beauty Gonzales sa GMA-7.

Malakas kasi ang bulung-bulungan na ang pagpirma na lang ng aktres ang inaabangan para masabing opisyal siyang Kapuso.

Matatandaang noong 2018, may mga ispekulasyon na magiging Kapuso si Beauty pagkatapos ng kanyang courtesy visit sa mga ehekutibo ng nasabing network.

Nagkaroon din siya ng guesting sa game show na Celebrity Bluff noon na lalong nagpaigting ng tsikang ‘belong’ na siya sa network.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero hindi natuloy ang lahat dahil nagkaroon siya ng offer sa Dos na gawin ang “Kadenang Ginto” kung saan pinag-usapan ang kanilang patalbugan at tarayan ni Dimples Romana sa akting.

Dahil mapapanood na si Beauty sa isang serye sa Kapuso network, may mga basher na nagsasabing hindi kawalan ang aktres sa ABS-CBN.

Bago pa man kasi, lumipat ang aktres sa GMA-7 ay nag-ober da bakod muna ito sa TV 5. Gumawa siya ng serye sa Singko nang magkaroon ng problema ang Dos sa renewal ng franchise nito.

Hirit naman ng ilang bitchy netizens, parang exchange deal daw ang nangyari kina Beauty at sa dating Kapuso na si Sunshine Dizon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.