Abante Tonite Interactive

Beauty libre ang pasilip

1,833

Kung may mga meme si Daniela Mondragon aka Dimples Romana, tameme naman ang marami sa kaseksihan ni Romina Mondragon aka Beauty Gonzales.

Ang dalawang aktres ang dahilan kung bakit mataas ang rating at trending palagi ang “Kadenang Ginto”.

Habang nananalasa sa social media si Dimples sa kanyang “Oh Dani” memes, nag-i-enjoy naman si Beauty na ibalandra ang modelicious body niya sa Instagram.

Aminado naman si Dimples na medyo conservative siya at ang kanyang husband sa mga tabas ng damit na isusuot lalo na sa telebisyon.

Iba naman ang persona-lity ni Beauty na kahit anong damit, tabas man ‘yan, isusuot niya nang walang alinlangan.

Kaya naman laging nakabalandra sa social media ang halos hubad na katawan ni Beauty dahil ito ang karakter niya.

Isa pa, pinababa-yaan si Beauty ng kanyang asawang ipangalandakan ang kanyang sensuality.

Ang paniniwala ng mister ng aktres ay dapat ibalandra ang katawan, ganda habang bata pa ito na maa-appreciate pa ng mga nakakakita.

Kahit ang makipaghalikan sa leading man ay okey lang sa mister ni Beauty.

Rason nito, i-explore na ni Beauty ang role na gusto nito kahit ang magkaroon ng intimate scene sa leading man dahil alam niyang trabaho lang ito.

“Mag-toothbrush” lang ang requirement ng mister ni Beauty bago siya halikan nito.

Ngayon lang nai-enjoy ni Beauty ang katawan at alindog niya dahil mula pagkabata ay “big girl” na siya.

Pasalamat naman ang mga nag-iilusyon kay Beauty dahil libre ang pasilip ng katawan nito sa madla. (Rey Pumaloy)