Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beauty muntik ‘makulong’ sa Egypt

0 1,131

NI: VINIA VIVAR

Sinagot ni Beauty Gonzalez ang netizen na nagtanong kung bakit daw lagi siyang nakasuot ng bathing suit sa kanyang mga Instagram post.

“Why is this lady always wearing bathing suit on every post?” tanong ng netizen.

Sagot naman ng aktres, “Kasi po mahirap mag-swimming pag naka jacket. Sorry, not sorry.”

Ipinagtanggol naman siya ng ibang netizens at tama lang daw naman na naka-bathing suit ang aktres kapag nasa beach.

Related Posts

“Tama! Mahirap din kung naka PPE suit kung mag swimming di ba?” komento ng isang netizen.

“She has the guts to wear bathing suit!!! And beautiful as always,” sey ng isa pang IG user.

“Because she is on the beach,” komento naman ng isa pa.

Anyway, habang may pandemya ay painting pala ang isa pang pinagkakaabalahan ni Beauty. Bukod dito ay mas naging close raw sila ngayon ng anak niyang si Olivia dahil mas nagkaroon siya ng “mommy time.”

Bago magkaroon ng pandemya ay magbabakasyon dapat sila sa Egypt pero hindi na ito natuloy dahil nga nagkaroon na ng travel ban. Thankful na rin ang aktres na hindi sila natuloy dahil if ever, baka na-stuck pa raw sila sa nasabing bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.