Abante Tonite Interactive

Beauty palaban sa awrahan

0 497

Habang namumulaklak ang karera sa telebisyon ni Beauty Gonzales via “Kadenang Ginto”, namumukadkad rin na parang nagdadalaga ang kanyang mga sexy photo sa Instagram.

Sunod-sunod ang posting nito ng bikini shots niya na parang ipinapangalandakan ang pagiging sariwa ng kanyang aura.

Kung paano umaani ng tagumpay sa kanyang role bilang si “Romina” na inaapi pero lumalaban, ganundin naman ang kanyang kaseksihan sa socmed.

Walang halong kalaswaan ang mga photo ni Beauty na bagay na bagay lang naman sa kanyang image sa KD.

Isa pa, kung ano ang character niya sa serye, malayo sa image na pino-project niya sa social media, bilang babaeng carefree at masaya sa kung anong meron siya sa personal na buhay.

Bukod kasi sa pagkakaroon niya ng isang magandang anak, sexy body, blooming career, meron din si Beauty ng isang asawang hindi seloso.

Ito pa ang nagtutulak sa Kapamilya actress na ipakita ang kanyang alindog habang bata pa.

Hindi naging isyu sa kanyang marriage life kung mapangahas man si Beauty na humilata, bumukaka, dumapa at lumandi sa kanyang mga pose sa Instagram.

Nalipat na yata kay Beauty ang mga nanggigigil sa kagandahan ni Ellen, na matagal ding kumalas sa showbiz.

Kung noon, pumapangalawa lang sa kaseksihan si Beauty kay Ellen. Pero ngayong mas mabango ang pangalan niya, naungusan na nito ang kaibigan.

Sa ngayon, nag-i-enjoy ang mga barako sa magandang tanawing nakikita nila sa bikini shot ni Beauty. (Rey Pumaloy)