Abante Tonite Interactive

Beauty pantasya ng mga barako

614

By Rey Pumaloy

Panalo sa kaseksihan si Beauty Gonzales sa social media. Kasabay nito ang pamamayagpag sa rating ng kanyang serye na “Kadenang Ginto” sa ABS-CBN 2.

Sa nalalapit na maging 1 billion views sa YouTube ng nasabing teleserye, ikinukunsidera rin si Beauty na isa sa mga well-loved star ng telebisyon.

Palaban ang karakter niya sa “Kadenang Ginto.” Hindi siya titigil para malaman ang katotohanan sa pagkakagahasa sa kanya at makuha niya ang hustisya.

Sa social media, palaban ang aktres na ipangalandakan ang magandang pigura at karisma.

Kung noon, deadma lang ang mga netizen sa bikini shot ni Beauty sa IG, ngayon ay binibigyan na ng atensyon ng kanyang mga follower. Pinapantasya na siya ng mga barako.

Mistulang Hollywood star si Beauty sa kategorya ng mga hot-mommas.

Puwede rin siyang ihilera sa mga supermodel na kahit nagkaanak na, napanatili nila ang magandang katawan. Kasabay nito ang papuri na worth isang bilyon ang kanyang sexy body.