Abante Tonite Interactive

Beauty pasaway sa huling serye

By
4,247

May katotohanan nga kaya ang chika na itong Beauty Gonzales, iiwan na rin daw ang Mother Ignacia station at magkakandirit na patungo sa Kapuso Network? Hindi siya pupunta sa dako pa roon, huh!

May sitsit rin na nu’ng siya ay isa sa bida sa Pusong Ligaw, she gave daw being a diva a bad name.

Sino kaya ang makakapagpatotoo na hindi ‘beautiful’ ang turing sa kanya dahil nga ang kanyang pagmamaganda ang siyang naging dahilan ng delay sa mga taping?

‘Di ba ang Pusong Ligaw ang afternoon drama kung saan kasama niya ang super istarletita for all season, si Sofia Andres at ang Millennial Bad Boy, si Diego Loyzaga?

Sabi sa akin ni Vangie Labalan na kasali sa soap dati, si Diego raw, mabait na bata. Ang Sofia, kinamusta ko. Monalisa smile na lang ang reaksyon ng mahusay na character actress. Hahahaha.

Kung si Beauty Gonzales nga ay magiging Kapuso na, good luck. Nawa’y maging mas beautiful ang iyong karera sa network where you now belong.