Abante Tonite Interactive

Beauty queen bagong dyowa ni Alden?

559

Si Alden Richards ang inukilkil ng press kay Winwyn Marquez sa mediacon ng bagong Kapuso series na “Dahil sa Pag-ibig” dahil nali-link silang dalawa.

As expected ay may bashers si Winwyn dahil sa pagkakaugnay niya sa pangalan ni Alden at naaaliw raw siya sa ibang bashers dahil may storyline ang mga ito na hindi niya alam kung saan nanggaling.

As in pang-Wattpad daw ang kuwento ng mga ito, na naiintindihan niya naman dahil may fans talaga si Alden na very sensitive at hindi naman daw sobrang personal ang atake ng mga ito sa kanya.

Kailan ba naging sila ni Alden?

Natawa si Wyn sa tanong namin at kiyemeng pinaghahampas kami.

“Alam mo, kung meron akong boyfriend or kung merong nanliligaw sa akin, sinasabi ko naman,” sey ng Kapuso actress-beauty queen.

Baka naman takot lang siyang ma-bash kaya ayaw niyang aminin?

“Ay hindi, kasi kung talagang mahal mo ‘yung tao at gusto mo ‘yung tao, kahit anong bash pa ‘yan.”

So, mahal na ba niya?

Natawa na naman si Wyn at ang sabi, “Sobrang bait ni Alden. Good friend talaga siya. So, I don’t know…

“‘Yung lovelife siguro na link sa amin, wala naman akong nararamdaman b­etween us,” pakli ng 27-anyos na dalaga.

Eh bakit kapansin-pansin daw ang closeness nila ni Alden mula nu’ng dumalo siya sa opening ng McDonald’s branch ni Alden sa Laguna?

“Matagal na kasi kaming close. Siguro napansin lang nila, kasi wala akong boyfriend, ‘yun lang. Kasi kung ti-tingnan n’yo rin ‘yung Instagram ko, may pictures din kami. Sa ‘Party Pilipinas’ pa lang, lagi na kaming magkakasama.

“Siguro, mas na-highlight lang kasi nga, single ako at sabi n’yo nga, may interview siya na gusto niyang magka-girlfriend. Siguro, nali-link lang talaga.

“At saka ang dami naman diyan. May iba namang nali-link kay Alden, ‘di ba?” natatawang sey ng ex-girlfriend ni Mark Herras.

Anong reaksyon ni Alden sa pagkaka-link nilang dalawa?

“Tatanungin ko siya kung ano’ng ano niya,” natatawang pakli ni Wyn.

Pero may chance bang maging for reals ang #WynDen?

“Natatawa ako. Maba-bash na ako nito! Ha! Ha! Hindi ko alam, eh. Nagugulat na lang ako. Kailangan n’yong tanungin si Alden, curious ako.”

Siya ba, open siya sa idea na magkaroon sila ng something?

“Nawi-weird-uhan nga ako, eh. Nagugulat ako, kasi nga parang never naman sumagi sa isip ko na magiging issue ‘yung closeness ko with Alden.

“Kasi eversince, close na kami. Ngayon lang talaga na-issue. So, nagugulat lang ako sa mga sinasabi n’yo.”

Pero puwede ba?

“Siguro ako talaga, wala. Ayoko pang magka-boyfriend. Si Alden na lang tanungin n’yo kung anong view niya.”

Pero may pag-asa ba si Alden if ever?

“Feeling ko naman, lahat puwedeng mag-fall kay Alden, ‘di ba? Sa sobrang bait, sobrang sweet niya… pero as of now for me, happy akong single.”

Ani Winwyn, ngayon ay kailangan niya munang mag-enjoy, mahalin at mag-focus sa sarili niya after nilang maghiwalay ni Mark na matagal din niyang nakarelasyon.

“Kayo ni Alden?!” ang very tsismosong tanong ng co-star ni Wyn na si Pancho Magno nang marinig ang tsikahan namin. Natawa na lang ang morenang dalaga.

Kasama rin nina Winwyn at P­ancho sina Sanya Lopez at Benjamin Alves sa sexy drama series na “Dahil sa Pag-ibig” na magsisimula na sa Lunes, May 20, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Bihag.”
***

Barbie never binugbog ni JM

Sa pagkakakilala ni Barbie Imperial kay JM de Guzman ay hindi ito bayolenteng tao, na taliwas sa i­naakusa kay JM na kesyo may sinapak o sinipa umano ito sa isang bar kamakailan.

“Lalaki kasi raw ‘yung inano. So ako, babae, never ako napagbuhatan ng kamay ni JM talaga.

“Para sa akin, knowing JM, hindi ko naman sinasagot ‘yung ano ng mga tao, sa pagkakilala ko sa kanya, hindi (niya magagawa ‘yon).

“Kasi, kilala ko siya. Not unless ‘yun (tao na sinaktan daw ni JM) ‘yung nagsimula, parang gano’n. Hindi natin alam. Basta ako, wala akong pakialam sa isyu na ‘yan! Ha! Ha! Ha!”

Pero ‘yun nga, sa pagkakakilala raw ni Barbie kay JM ay hindi ito violent. Kahit daw nu’ng nag-aaway silang dalawa noon, never siya nitong sinaktan kahit na kurot lang.

Nakausap namin si Barbie sa mediacon ng Regal movie na “Finding You” kung saan gumaganap siyang ex-girlfriend ng bidang si Jerome Ponce. Si Jane Oineza ang female lead sa romance drama na May 29 ang showing in cinemas nationwide.