Abante Tonite Interactive

Beauty queen harbatera

By
962

Marami ang naloloka sa isang beauty queen at TV host na ito. May kakaiba kasing ugali ito. Palahingi. Kahit ano lang ang natira, hihingin pa rin niya ito.

Inis na inis nga ang staff ng isang show kung saan dating host ito. Sikat kasi ang show na kasama siya kaya marami ang pumapasok na sponsor. Mula sa iba’t ibang klase ng pagkain, bulaklak, sabon, pampabango, gift certificate at kung ano-ano pa, makikita sa show. After ng show, ang ginagawa ng host ay inuutusan ang kanyang ina para hingin ang lahat nang natira. Walang patawad ang beauty queen. Kahit na mga pin at hanger na sobra o hindi na gagamitin ng mga stylist ay hinihingi pa rin.

Kaya nga alaga siyang pasaringan ng mga staff na nakaipon siya ng mga gamit dahil sa kahihingi. At nakaipon na rin daw siya dahil pati sa pagkain ay hindi na bumibili.

Abante Hiring – IT dep

Ang isa pang kinaiinisan ng staff sa kanya ay ang sobrang public display of affection nila ng kanyang boyfriend na kasama rin sa show.

Feeling nila ay sila lang ang tao. Wala silang pakialam sa kanilang paligid.

Ending, pareho silang natsugi sa show.