Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beauty queen maker John pumanaw na

0 473

NI: SARAH ASIDO

Nawalan ang pageant industry ng isang haligi sa pagpanaw ng beauty queen maker na si John De La Vega.

Binawian siya ng buhay noong January 15. Mismong pamilya niya ang naglabas ng malungkot na balita.

Enero 7 2020 nang mag-post si De La Vega sa kanyang social media account na nasa ospital siya dahil sa iniindang abdominal pain. Nagkaroon ito ng Cholecystitis at Cholecystholithiases.

SM food to go Banner Ad

Eto na ang huling post ni De La Vega bago tuluyang bawian ng buhay.

Kilala si De La Vega bilang Founder at President ng Jewel of the Philippines at Jewel of the World. Hawak rin nito ang franchise ng Miss United Continents at Miss Landscapes International.

Pinasok rin ng beauty queen maker ang Binibining Pilipinas na kinoronahan bilang Binibining Pilipinas World 2010 si Czarina Gatbonton.

Na-cremate kahapon si John sa Heaven’s Gate Memorial Chapel sa Antipolo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.