Abante Tonite Interactive

Beauty queen pinintasang mukhang alien

537

Nakakaloka ang aktor na ito. Grabe ang description niya sa isang beauty queen-actress na nakatrabaho niya.

Kawawa nga ang isang beauty queen na maganda naman in fairness pero ang tawag sa kanya ng aktor? Mukha raw itong ET o extra-terrestrial.

At ito pa, nagpi-feeling ang aktor na may gusto sa kanya si ET pero ilusyon lang niya ito dahil may guwapong boyfriend si beauty queen.

Teka, ‘di ba may girlfriend ngayon ang aktor na ito?

In fairness, super sexy ang kanyang syota pero ordinaryo lang ang mukha.

Ano kaya ang tawag ni aktor sa kanyang dyowa? Si Kokey? Hahahahaha.

Sino si aktor na nagsabing mukhang ET ang isang beauty queen?
Hmmm… in fairness, guwapo siya at flawless.

Pero hindi ‘yun batayan para laitin niya at tawagin niyang mukhang ET ang isang beauty queen, noh?! (Timmy Basil)