Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beauty soap ninenok ng bebot sa Puregold

0 91

Arestado ang isang 38-anyos na babae nang tangkaing magpuslit ng pabango, shampoo at sabon sa isang sangay ng Puregold kamakalawa sa may Osmeña Highway, Sta.Ana, Maynila.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code “Theft” (Shoplifting) ang suspek na si Joan Valdezco y Mesa, ng 1972 Int. 8, F. Munoz St., Paco.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District – Malate Police Station 9, alas 4:30 ng hapon nang pumasok sa Puregold ang biktima at nagkunwang mamimili.

Ayon kay Mary Ann Andaya, civilian guard ng Puregold, lingid sa kaalaman ng suspek ay minamatyagan na siya at pumosisyon na sila sa lugar na lalabasan ng suspek.

Bitbit ang ninenok na 2 piraso ng pabangong pambabae na nagkakahalagang P378.00, 2 Kojisan Triopack na nagkakahalagang P240.00, 1 dove baby shampoo na nagkakahalagang P199.00 at isang Dove soap triopack na nasa P133.75 na umabot sa halos P1,000 nang sitahin si Joan ng civilian guard.

Nang hanapan ng resibo at walang maipakita ang suspek ay binitbit sa security office at itinurn over sa pulisya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.