Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebenta pa kaya?

0 141

Sa pelikula o teleserye mga tropapips, malamang na mahina ang kita sa takilya o rating kapag napansin ng mga manonood na alam na nila ang mangyayari dahil alam na nila ang istorya. Pero ang tanong, ganito rin kaya sa pulitika?

Pero bago ‘yan, may mga kurimaw tayo sa Quezon City na nagtatanong kung “secret” supporter daw kaya ni mayoral aspirant Mike Defensor ang Task Force Disiplina ng lungsod.

Kasi raw, sa ginagawang marahas na clearing operation ng TF Disiplina sa mga vendor sa lungsod na pinuputakte ng puna ng mga netizen, tiyak na marami ang magagalit at hindi na boboto sa incumbent mayor na si Joy Belmonte, at tiyak na si Mike D. ang kanilang iboboto.

Kahit nga naman kasi sabihin ng TF Disiplina na mali ang ginagawa ng mga vendor na magtinda sa bangketa, mauunawaan ng mga tao ang hirap ng sitwasyon ngayon dahil sa pandemic.

Malamang na pabor ang mga tao na paalisin sa bangketa ang mga vendor, pero ang marahas na itaboy sila at kumpiskahin pa ang kanilang paninda na inuutang lang, sureball na may kirot din sa puso ‘yan ng mga tao–lalo na kung matandang vendor ang huhulihin.

Para kay kay Cong Mike Defensor, sa halip na gipitin at barakuhin ang mga illegal vendor, dapat na daanin sila sa pakiusap at ilagay sa dapat nilang puwestuhan. Hindi kailangang saktan at agawan pa sila ng kabuhayan ngayon hirap na hirap na rin ang kanilang pamumuhay.

Balik tayo sa ibang uri ng “bentahan.” Habang isinusulat natin ito mga tropapips, kaniya-kaniyang pabida ang mga ayudanatics nating mga kurimaw sa pagsasabing: “Sabi ko na nga ba,” dahil sa pag-withdraw ni Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbong muli bilang mayora sa lungsod sa darating na halalan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero habang isinusulat natin ito, hindi pa naman sure kung tatakbo sa national position si mayora–tulad ng presidente o bise presidente. O baka magpahinga lang sa pulitika.

Dati na kasi niyang sinabi na hindi siya tatakbo sa “national position,” matapos na una niyang sabihin na may kasunduan sila ng kaniyang tatay na si President Mayor Digong Duterte na isa lang sa kanila ang tatakbo sa national position.

Nang panahon iyon, pumoporma si President Mayor Digong bilang vice president pero hindi naman natuloy. Ngayon naman, pinapalutang na sa pagka-senador siya bobotak na isa ring national position.

Dahil hindi na tatakbong bise presidente si President Mayor Digong, nagbago kaya ang isip ni Mayor Sara na tumakbong presidente o bise presidente? Pero kaninong partido kaya para makapasok siya bilang “substitute” candidate?

Sa PDP-Laban faction kaya ni Energy Secretary Alfonso Cusi kaya, na ang bulong ng ilang kurimaw natin eh hindi naman malapit kay Mayor Sara? O sa Lakas-CMD ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ang bulong naman ng ilang kurimaw natin ay makakapulong ni Mayora Sara bago sumapit ang deadline ng substitution sa November 15.

Pero gaya ng huntahan ng mga ayudanatics nating mga kurimaw, hindi na sila nagulat at inasahan na nila ang galawan na ito. Ganundin kaya ang pakiramdam ng maraming utaw?

Kung tumakbo nga kaya sa national position si Mayor Sara, lalabas na gagawin din niya ang ginawa noon ni President Mayor Digong nang tumakbo at nanalo itong pangulo sa 2016 elections. Ang tanong, parehong ending kaya ang mangyari at bumenta pa kaya ang istorya kung iba naman ang bida? Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.