Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot, 1 pa nirapido sa highway

0 64

Patay ang isang babae at kasama nitong lalaki sa papamamaril ng hindi nakilalang mga salarin sa gilid ng highway sa Tiaong, Quezon kahapon ng madaling araw.

Sa report ng Tiaong police, nakasakay ang mga hindi pa nakikilalang biktima sa nakahintong motorsiklo sa Maharlika highway at Tiaong-San Juan road sa Barangay Talisay at tila may hinihintay dakong alas-3:30 ng madaling-araw.

Ayon sa witness, biglang dumating ang mga suspek at nagbunot ng baril.

Nakatakbo pa at humihingi ng tulong ang dalawa sa katabing gasoline station ngunit nakorner ang mga ito at malapitang pinagbabaril.

Nagtamo ang dalawa ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan at namatay noon din.

Naglakad lamang umanong papalayo ang suspek.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng kalibre 45 baril.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima na nasa edad 25-35.

Inaalam din ang motibo at kung sino ang mga suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.