Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot 3 beses binaril ng bisita

0 433

Patay ang isang 21-anyos na babae nang pasukin ng tatlong armadong kalalakihan ang kanilang bahay at pagbabarilin sa harap ng kanyang kinakasama, Martes ng gabi sa Juban, Sorsogon.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala mula sa kalibre .45 baril sa katawan ang biktimang si Angeline Hinga, residente ng Barangay Catanusan ng nasabing bayan.

Sa inisyal na ulat ng Juban Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente alas-6:00 ng gabi habang nasa loob ng bahay ang biktima kasama ang kanyang live-in partner na si Nelson Forlaje.

Dumating ang tatlong bisitang suspek na armado ng mga baril.

Wala umanong kadahilanan ay nilapitan ng isa sa mga suspek ang babae at ilang ulit na pinagbabaril.

Wala namang nagawa ang kinakasama nito nang patayin sa kanyang harapan ang babae dahil nakatutok sa kanya ang baril ng dalawa pang suspek. Matapos ang insidente ay mabilis nang nagsitakas ang mga suspek.

Nakakuha ang pulisya ng apat na basyong bala mula sa kalibre .45 baril ng mga suspek.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng motibo ng pagpatay at sa ikadarakip ng mga suspek. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.