Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot bangag sa droga nag-amok

0 38

Kulungan ang bagsak ng isang babae matapos na manghabol na may dalang siyam na pulgadang itak sa Brgy. Buting, Pasig City kamakalawa ng hatinggabi.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Eastern Police District director Brig. Gen. Orlando Yebra Jr., nakilala ang suspek na si Julie Juvenal y Ibbarientos, 35-anyos, na kinasuhan ng alarm and scandal, illegal possession of bladed weapon, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Ayon kay Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig Police Station, inaresto ang suspek bandang alas-12:20 ng hatinggabi sa kahabaan ng Conching Street sa Brgy. Buting matapos makatanggap ng tawag sa telepono kaugnay sa pang-aamok ni Juvenal na armado ng itak.

Rumesponde sa insidente ang mga pulis at nasaksihan nila ang pagwawala ng suspek at paghahamon ng away. Nahimasmasan naman ang suspek at nalaman na sabog pala ito sa ilegal na droga.

Nahulihan siya ng isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680.00 at nakumpiska rin ang dalang itak. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.