Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot ginapang habang naka-quarantine

0 170

Kinasuhan ang isang 26-anyos na engineer matapos diumanong gahasain ang isang babaeng naka-quarantine sa bayan ng Agutaya sa Palawan.

Sa ulat, sinabi ni Agutaya Mayor Perla Bacuel na lasing ang suspek nang pasukin ang quarantine facility kung nasaan ang biktima noong Disyembre 16.

Isa umanong allowed person outside residence o APOR ang biktima habang hindi na pinangalanan ang suspek, na pinaniniwalaang contractor ng isang power supply company.

Inilipat na ang suspek sa Puerto Princesa at sinimulan na rin ang pag-uusig sa kanya.

Samantala, nakatakda ring dumating sa siyudad ang biktima sakay ng helicopter matapos humingi ng tulong ang pamilya niya kay Gov. Jose Alvarez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.