Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot kinalawit sa shabu

0 81

Arestado ang isang babaeng ‘pusher’ matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kahapon sa Binondo, Maynila.

Nasamsam ng mga elemento ng Manila Police District-Police Station 11 ang pitong sachet ng shabu mula umano sa suspek na si Marivel Cabili alyas ‘Mabel’, 45-anyos at residente ng Parola Compound, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, ikinasa ang operasyon alas-12:27 ng hatinggabi sa panulukan ng Delpan St. at Mel Lopez Boulevard kung saan isang pulis ang umaktong poseur buyer.

Nang iabot ang P200 marked money ay kaagad na inaresto si Cabili at nakuha umano ang shabu na nagkakahalaga ng P6,800.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Selling of Dangerous Drugs) at Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.