Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot laglag sa P7M shabu delivery ng PDEA

0 167

Arestado ang isang babaeng tulak matapos na mahulihan ng halos P7 milyong halaga ng shabu sa isang `controlled delivery’ na ikinasa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Caloocan City nitong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang suspek na si Charlene Nworisa na taga-Villa Crystal Phase 1, Bagumbong Dulo, Caloocan City.

Batay sa ulat ng PDEA Region 3 na pinamumunuan ni Regional Director Bryan Babang, dakong alas-8:30 ng gabi nang isagawa ang `controlled delivery’ sa tahanan ni Nworisa.

Nauna rito, noong Marso 12 ay isang package mula sa Kuala Lumpur, Malaysia ang dumating sa Port of Clark.

Nakapangalan umano ang package sa suspek at idineklarang mga laruan subalit nang isailalim sa X-ray at field testing ay nadiskubre ang mga nakatagong 31 translucent plastic na mga pouch na naglalaman ng puting crystalline substance na tumitimbang ng isang kilo.

Agad namang ikinasa ng PDEA, katuwang ang Philippine National Police at Bureau of Customs, ang `controlled delivery’ at nasakote ang suspek nang tanggapin ang package. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.